Jared Tingnan din sa Jared, Kapatid ni; Jaredita, Mga Isang pinuno sa Aklat ni Mormon na, kasama ang kanyang kapatid, pinamunuan ang isang pangkat ng tao mula sa Tore ng Babel patungo sa lupang pangako sa pakanlurang bahagi ng mundo (Eter 1:33–2:1). Hiniling ni Jared sa kanyang kapatid na magdasal upang hindi lituhin ng Panginoon ang wika ng kanilang mag-anak at mga kaibigan, Eter 1:34–37. Naglakbay sa dagat at nanahanan doon ng apat na taon, Eter 2:13. Naglayag patungo sa lupang pangako, Eter 6:4–12.