Mga Tulong sa Pag-aaral
Dugo


Dugo

Ipinalalagay ng mga sinaunang Israelita at ng maraming kabihasnan ngayon bilang pinakaugat ng buhay o kinakailangang lakas ng lahat ng laman. Noong panahon ng Lumang Tipan, ipinagbawal ng Panginoon sa Israel ang pagkain ng dugo (Lev. 3:17; 7:26–27; 17:10–14).

Ang mapagbayad-salang kapangyarihan ng isang hain ay nasa dugo sapagkat ipinalalagay na kinakailangan ang dugo upang mabuhay. Ang paghahain ng hayop sa Lumang Tipan ay sagisag ng dakilang pagsasakripisyo na di maglalaon ay isasagawa ni Jesucristo (Lev. 17:11; Moi. 5:5–7). Nililinis ng mapagbayad-salang dugo ni Jesucristo ang nagsisisi sa kasalanan (1 Juan 1:7).