Zenos Isang propeta sa Israel noong panahon ng Lumang Tipan na ang mga propesiya tungkol sa misyon ni Cristo ay matatagpuan lamang sa Aklat ni Mormon. Nagpropesiya tungkol sa libing ni Cristo at sa tatlong araw ng kadiliman, 1 Ne. 19:10, 12. Ibinadya ang pagtitipon ng Israel, 1 Ne. 19:16. Muling inulit ni Jacob ang talinghaga ni Zenos tungkol sa likas at ligaw na mga punong olibo, Jac. 5. Ipinaliwanag ni Jacob ang talinghaga ni Zenos, Jac. 6:1–10. Nagturo hinggil sa panalangin at pagsamba, Alma 33:3–11. Nagturo na ang pagtubos ay darating sa pamamagitan ng Anak, Alma 34:7. Pinatay dahil sa kanyang mata pang na pagpapatotoo, Hel. 8:19. Nangusap tungkol sa panunumbalik ng mga Lamanita, Hel. 15:11. Nagpatotoo tungkol sa mga mangyayaring pagkawasak sa araw ng kamatayan ni Cristo, 3 Ne. 10:15–16.