Pentecostes
Bilang bahagi ng mga batas ni Moises, ang piging ng Pentecostes o ng mga pangunahing bunga ay idinaraos ng limampung araw pagkatapos ng Piging ng Paskua (Lev. 23:16). Ang Pentecostes ay upang ipagdiwang ang araw ng pag-aani, at sa Lumang Tipan ito ay tinatawag na piging ng pag-aani o piging ng mga linggo. Ang piging na ito ang ipinagdiriwang nang ang mga Apostol sa Jerusalem ay mapuspos ng Espiritu Santo at nangusap sa maraming wika (Gawa 2; D at T 109:36–37).