Obispo Tingnan din sa Pagkasaserdoteng Aaron Ibig sabihin “tagapangasiwa”, isang katungkulan o opisyo ng pananagutan. Ang obispo ay isang inordenang katungkulan sa Pagkasaserdoteng Aaron (D at T 20:67; 107:87–88), at ang obispo ay isang pangkalahatang hukom ng Israel (D at T 107:72, 74). Ginawa kayong mga tagapangasiwa ng Espiritu Santo, Gawa 20:28. Itinakda ang mga hinihingi upang maging mga obispo, 1 Tim. 3:1–7 (Tit. 1:7). Ang isang obispo ay inoordenan, D at T 20:67. Maglilingkod si Edward Patridge bilang isang obispo sa Simbahan, D at T 41:9. Ang isang obispo ay makakikilala sa mga espirituwal na kaloob, D at T 46:27, 29. Ang isang mataas na saserdote ay makapaglilingkod sa katungkulan ng obispo, D at T 68:14, 19 (D at T 107:17). Ang obispo ay hinihirang ng Panginoon, D at T 72:1–26. Ang obispo ay magkakalinga sa mga maralita, D at T 84:112. Ang obispo ay mangangasiwa sa lahat ng bagay na temporal, D at T 107:68. Ang obispo ang pangulo ng Pagkasaserdoteng Aaron, D at T 107:87–88.