Taga-Filipos, Sulat sa mga
Isang liham na isinulat ni Pablo sa mga Banal sa Filipos habang siya ay nasa bilangguan sa Roma sa kauna-unahang pagkakataon. Ito ngayon ang aklat na Mga Taga-Filipos sa Bagong Tipan.
Nilalaman sa kabanata 1 ang mga pagbati ni Pablo at kanyang tagubilin tungkol sa pagkakaisa, pagpapakumbaba, at pagtitiyaga. Binigyang-diin sa kabanata 2 na lahat ng tao ay yuyuko kay Cristo at na ang bawat tao ay kinakailangang kumilos para sa kanyang kaligtasan. Sa kabanata 3, ipinaliwanag ni Pablo na kanyang isinakripisyo ang lahat ng bagay para kay Cristo. Nagpasalamat sa kabanata 4 si Pablo sa mga Banal ng Filipos sa kanilang tulong.