Kalinisang-puri Tingnan din sa Kabaitan; Mahalay, Kahalayan; Pakikiapid; Pangangalunya Seksuwal na kalinisan ng mga kalalakihan at kababaihan. Pinaglabanan ni Jose ang mga panunukso ng asawa ni Potiphar, Gen. 39:7–21 (D at T 42:24; 59:6). Huwag kang makikiapid, Ex. 20:14. Ang mabait na babae ay isang putong sa kanyang asawa, Kaw. 12:4 (Kaw. 31:10). Hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo? 1 Cor. 6:18–19. Maging halimbawa ka ng kalinisan, 1 Tim. 4:12. Walang maruming bagay ang makapananahanang kasama ng Diyos, 1 Ne. 10:21. Sapagkat ako, ang Panginoong Diyos, ay nalulugod sa kalinisang-puri ng mga babae, Jac. 2:28. Ang kasalanang seksuwal ay karumal-dumal, Alma 39:1–13. Ang kapurihan at dangal ang pinakamahal at pinakamahalaga sa lahat ng bagay, Moro. 9:9. Naniniwala kami sa pagiging malinis, S ng P 1:13.