Birhen Tingnan din sa Maria, Ina ni Jesus Isang lalaki o babae na nasa gulang na ng pag-aasawa na kailanman ay hindi pa nakipagtalik. Sa mga banal na kasulatan, ang isang birhen ay maaaring sumagisag sa isang taong may malinis na moralidad (Apoc. 14:4). Isang birhen ang maglilihi at magsisilang ng isang anak, Is. 7:14 (Mat.1:23; 2 Ne. 17:14). Ang kaharian ng langit ay inihalintulad sa sampung birhen, Mat. 25:1–13. Sa lunsod ng Nazaret ay nakamalas ako ng isang birhen, na ina ng Anak ng Diyos, 1 Ne. 11:13–18. Si Maria ay isang birhen, isang mahalaga at piniling tao, Alma 7:10.