Panaginip Tingnan din sa Paghahayag Isang paraan ng pagpapahayag ng Diyos ng kanyang kalooban sa mga kalalakihan at kababaihan sa mundo. Gayunman, hindi lahat ng panaginip ay paghahayag. Ang mga inspiradong panaginip ay bunga ng pananampalataya. Siya ay nanaginip, at namalas ang isang hagdang umaabot sa langit, Gen. 28:12. Nanaginip ng isang panaginip si Jose, Gen. 37:5. Kakausapin siya ng Panginoon sa isang panaginip, Blg. 12:6. Nanaginip ng mga panaginip si Nabucodonosor, Dan. 2:1–3. Ang matatanda ay mananaginip ng mga panaginip, Joel 2:28 (Gawa 2:17). Nagpakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon sa isang panaginip, Mat. 1:20 (Mat. 2:19). Isinulat ni Lehi ang maraming bagay na kanyang nakita sa mga panaginip, 1 Ne. 1:16. Nanaginip ng isang panaginip si Lehi, 1 Ne. 8.