Sa Aklat ni Mormon, anak ni Haring Mosias. Naglingkod si Ammon bilang isang misyonero na ang masigasig na pagsusumikap ay nakatulong sa maraming kaluluwa na magbalik-loob kay Cristo.
Isang hindi naniniwala noon na naghangad wasakin ang Simbahan, Mos. 27:8–10, 34 .
Isang anghel ang nagpakita sa kanya at sa kanyang mga kasamahan, Mos. 27:11 .
Nagsisi at nagsimulang mangaral ng salita ng Diyos, Mos. 27:32–28:8 .
Tumangging maging hari at sa halip ay nagtungo sa lupain ng mga Lamanita upang ipangaral ang salita ng Diyos, Alma 17:6–9 .
Nag-ayuno at nanalangin upang mapatnubayan, Alma 17:8–11 .
Nakagapos na iniharap kay Haring Lamoni, Alma 17:20–21 .
Iniligtas ang mga kawan ni Lamoni, Alma 17:26–39 .
Nangaral kay Lamoni, Alma 18:1–19:13 .
Nagpasalamat sa Diyos at nadaig ng kagalakan, Alma 19:14 .
Ang mga napabalik-loob niya kailanman ay hindi nagsitalikod, Alma 23:6 .
Nagsaya sa pagiging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa pagdadala ng libu-libo sa katotohanan, Alma 26:1–8 (Alma 26:1–37 ).
Inakay ang mga tao ni Anti-Nephi-Lehi sa kaligtasan, Alma 27 .
Nakadama ng malaking kagalakan nang makita ang kanyang mga kapatid, Alma 27:16–18 .