Saligan ng Pananampalataya, Mga
Labintatlong pangunahing pinagbabatayan ng paniniwala ng mga kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Unang isinulat ito ni Joseph Smith sa isang sulat kay John Wentworth, patnugot ng Chicago Democrat, bilang tugon sa kahilingan niyang malaman ang paniniwala ng mga kasapi ng Simbahan. Nakilala ang sulat bilang Sulat kay Wentworth at unang nalathala sa Times and Seasons noong Marso 1842. Noong ika-10 ng Oktubre 1880, ang mga Saligan ng Pananampalataya ay pormal na tinanggap bilang banal na kasulatan na pinagtibay ng mga kasapi ng Simbahan at isinama bilang bahagi ng Mahalagang Perlas.