Pangangasiwa sa Maysakit Tingnan din sa Kamay, Pagpapatong ng mga; Langis; Pagkasaserdote; Pagpapahid ng Langis; Pinagaling, Pagpapagaling Isang pagbabasbas na ibinibigay sa maysakit ng mga kalalakihang may hawak ng Pagkasaserdoteng Melquisedec, lakip ang paggamit ng inilaang langis. Ipatong ang iyong kamay sa kanya, Mat. 9:18. Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa ilang maysakit at pinagaling sila, Mar. 6:5. Pinahiran ng langis ng mga apostol ni Cristo ang maraming maysakit at napagaling sila, Mar. 6:13. Ang mga elder ang magpapahid ng langis at magpapagaling sa maysakit, Sant. 5:14–15. Hindi mo pagagalingin ang maysakit maliban sa hingin nila sa inyo na mga nagnanais nito, D at T 24:13–14. Ipapatong ng mga elder ang kanilang mga kamay sa maysakit, D at T 42:44. Ipatong ang iyong mga kamay sa mga maysakit, at sila ay gagaling, D at T 66:9.