Ang kapangyarihan o kakayahang gumawa ng sariling pagpili nang hindi pinipilit. Sa bagay na espirituwal, ang isang taong nagsisisi at sumusunod sa kalooban ng Diyos ay malaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo (Mos. 5:8 ).
Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo, Juan 8:32 .
Ang mga yaong naging malaya mula sa kasalanan ay makatatanggap ng buhay na walang hanggan, Rom. 6:19–23 .
Kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan, 2Â Cor. 3:17 .
Magpakatatag sa kalayaan kung saan tayo ginawang malaya ni Cristo, Gal. 5:1 (D at T 88:86 ).
Ang mga tao ay malayang makapipili sa kalayaan at buhay na walang hanggan, 2Â Ne. 2:27 .
Ang isang mabuting sanga ng sambahayan ni Israel ay ilalabas mula sa pagkabihag tungo sa kalayaan, 2Â Ne. 3:5 .
Ang lupaing ito ay magiging lupain ng kalayaan, 2Â Ne. 10:11 .
Tumawag sila sa Panginoon para sa kanilang kalayaan, Alma 43:48–50 .
Ipinataas ni Moroni ang bandila ng kalayaan sa mga Nephita, Alma 46:36 .
Nagalak si Moroni sa kalayaan ng kanyang bayan, Alma 48:11 .
Ang Espiritu ng Diyos ay diwa ng kalayaan, Alma 61:15 .
Sumunod sa akin, at kayo ay magiging malalayang tao, D at T 38:22 .
Nagpahayag ang Panginoon at ang kanyang mga tagapaglingkod ng kalayaan sa mga bihag na espiritu, D at T 138:18, 31, 42 .