Mang-aaliw
Dalawang Mang-aaliw ang binabanggit sa mga banal na kasulatan. Ang una ay Espiritu Santo (Juan 14:26–27; Moro. 8:26; D at T 21:9; 42:17; 90:11). Ang Pangalawang Mang-aaliw ay si Panginoong Jesucristo (Juan 14:18, 21, 23). Kapag natanggap ng sinuman ang Pangalawang Mang-aaliw, magpapakita si Jesucristo sa kanya sa pana-panahon, ipakikilala ang ama, at tuturuan siya nang harap-harapan (D at T 130:3).