Bahaghari
Ang palatandaan o tanda ng tipan ng Diyos kay Noe (Gen. 9:13–17). Ipinaliliwanag ng PJS, Gen. 9:21–25 na ang tipan ay sumasaklaw sa mga pangako na ang mundo ay hindi na muling babahain ng tubig, na ang Sion ni Enoc ay magbabalik, at na ang Panginoon ay paparitong muli upang manahanan sa lupa.