Moroni, Kapitan Tingnan din sa Bandila ng Kalayaan Sa Aklat ni Mormon, isang matwid na komandante ng militar na Nephita na nabuhay noong 100 B.C. Si Moroni ay nahirang na punong kapitan sa buong hukbong Nephita, Alma 43:16–17. Pumukaw sa mga kawal na Nephita upang makipaglaban para sa kanilang kalayaan, Alma 43:48–50. Gumawa ng isang bandila ng kalayaan sa isang bahagi ng kanyang damit, Alma 46:12–13. Siya ay tao ng Diyos, Alma 48:11–18. Siya ay nagalit sa pamahalaan dahil sa kanilang kawalang-pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan, Alma 59:13.