Mga Tulong sa Pag-aaral
Espiritu Santo


Espiritu Santo

Ang ikatlong kasapi ng Panguluhang Diyos (1 Juan 5:7; D at T 20:28). Siya ay isang katauhang Espiritu, walang katawang laman at mga buto (D at T 130:22). Madalas tukuyin ang Espiritu Santo bilang Espiritu, o ang Espiritu ng Diyos.

Gumaganap ng ilang mahahalagang tungkulin ang Espiritu Santo sa plano ng kaligtasan. (1) Nagpapatotoo siya sa Ama at sa Anak (1 Cor. 12:3; 3 Ne. 28:11; Eter 12:41). (2) Ipinahahayag niya ang katotohanan ng lahat ng bagay (Juan 14:26; 16:13; Moro. 10:5; D at T 39:6). (3) Pinababanal niya ang mga yaong nagsisi at nabinyagan (Juan 3:5; 3 Ne. 27:20; Moi. 6:64–68). Siya ang Banal na Espiritu ng Pangako (D at T 76:50–53; 132:7, 18–19, 26).

Maaaring dumating ang kapangyarihan ng Espiritu Santo sa tao bago ang pagbibinyag, at sumasaksi na ang ebanghelyo ay totoo. Subalit ang karapatang magkaroon ng palagiang pagsama ng Espiritu Santo, kapag ang isa ay karapat-dapat, ay isang handog na maaari lamang matanggap sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng may hawak ng Pagkasaserdoteng Melquisedec pagkatapos ng Pinagtibay na pagbibinyag sa totoong Simbahan ni Jesucristo.

Itinuro ni Jesus na maaaring patawarin ang lahat ng kasalanan maliban sa paglapastangan sa Espiritu Santo (Mat. 12:31–32; Mar. 3:28–29; Lu. 12:10; Heb. 6:4–8; D at T 76:34–35).