Banal (pang-uri) Tingnan din sa Dalisay, Kadalisayan; Kabanalan; Pagpapabanal Banal, may katangiang maka-diyos, o espirituwal at moralidad na dalisay. Ang kasalungat ng banal ay masama o hindi banal. Kayo ay magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa, Ex. 19:5–6 (1 Ped. 2:9). Inutusan ng Panginoon ang Israel: Maging banal, sapagkat ako ay banal, Lev. 11:44–45. Tatayo sa aking banal na pook ang mga yaong may malilinis na kamay at dalisay na puso, Awit 24:3–4. Ituro sa aking mga tao ang pagkakaiba ng banal at hindi banal, Ez. 44:23. Tinawag kami ng Diyos nang banal na pagtawag, 2 Tim. 1:8–9. Mula sa pagkabata nalalaman mo na ang mga banal na kasulatan, 2 Tim. 3:15. Nagsasalita ang mga banal na tao ng Diyos na binubunsuran ng Espiritu Santo, 2 Ped. 1:21. Hahatulan ang lahat ng tao alinsunod sa katotohanan at kabanalan na nasa Diyos, 2 Ne. 2:10. Nagiging Banal ang likas na tao sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, Mos. 3:19. Lumakad alinsunod sa banal na orden ng Diyos, Alma 7:22 (Alma 13:11–12). Pinabanal ang tatlong disipulo sa laman at ginawang banal, 3 Ne. 28:1–9, 36–39. Huwag lapastanganin ang mga bagay na banal, D at T 6:12. Ipangako ninyo ang sarili sa pagkilos ng buong kabanalan, D at T 9:9. Ipangako ninyo ang sarili sa pagkilos ng buong kabanalan, D at T 43:9. Ang aking mga disipulo ay tatayo sa mga banal na lugar, D at T 45:32. Ang yaong nagmumula sa kaitaasan ay banal, D at T 63:64. Ang mga bata ay banal, D at T 74:7. Ilaan ang lugar na ito at ito ay pababanalin, D at T 124:44. Titipunin ng Panginoon ang kanyang mga hinirang sa banal na lunsod, Moi. 7:62.