Makinig Tingnan din sa Pagsunod, Masunurin, Sumunod; Tainga Ang makinig at sumunod sa tinig o mga turo ng Panginoon. Magbabangon ang Panginoon ng isang propetang katulad niya, at pakikinggan ninyo siya, Deut. 18:15. Ang makinig ay higit pa kaysa sa mga taba ng tupang lalaki na ihahain, 1 Sam. 15:20–23. Hindi namin pinakinggan ang mga tagapaglingkod ng Panginoon, ang mga propeta, Dan. 9:6. Hindi lilipulin ang mga mabubuti na makikinig sa mga salita ng mga propeta, 2 Ne. 26:8. Kung hindi kayo makikinig sa tinig ng mabuting pastol, kayo ay hindi niya mga tupa, Alma 5:38 (Hel. 7:18). Makinig, O kayong mga tao ng aking simbahan, D at T 1:1. Ang mga yaong nakinig sa tinig ng Espiritu ay naliliwanagan at lumalapit sa Ama, D at T 84:46–47. Sila ay mabagal sa pagdinig sa Panginoon; samakatwid, siya ay mabagal sa pagdinig sa kanilang mga panalangin, D at T 101:7–9. Pinarurusahan ang mga yaong hindi nakikinig sa mga kautusan, D at T 103:4 (Moi. 4:4).