Kaalaman Tingnan din sa Karunungan; Katotohanan; Pagkaunawa Pag-unawa at pag-intindi, lalo na sa katotohanan na itinuro o pinagtibay ng Espiritu. Ang Panginoon ay Diyos ng kaalaman, 1 Sam. 2:3. Ganap ang kaalaman ng Panginoon, Job 37:16. Ang takot sa Panginoon ang umpisa ng kaalaman, Kaw. 1:7. Siya na nagtitipid ng kanyang salita ay may kaalaman, Kaw. 17:27. Ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, Is. 11:9 (2 Ne. 21:9; 30:15). Inaalis ninyo ang susi ng kaalaman, Lu. 11:52. Ang pag-ibig ni Cristo ay di masayod ng kaalaman, Ef. 3:19. Idagdag sa inyong pananampalataya ang kagalingan, at sa kagalingan ang kaalaman, 2 Ped. 1:5. Si Nephi ay may malaking kaalaman ng kabutihan ng Diyos, 1 Ne. 1:1. Sila ay makararating sa kaalaman ng kanilang Manunubos, 2 Ne. 6:11. Ang mabubuti ay magkakaroon ng ganap na kaalaman ng kanilang kabutihan, 2 Ne. 9:14. Ang Espiritu ay nagbibigay ng kaalaman, Alma 18:35. Ang inyong kaalaman ay ganap sa bagay na yaon, Alma 32:34. Ang mga Lamanita ay madadala sa tunay na kaalaman ng kanilang Manunubos, Hel. 15:13. Malalaman ninyo nang may ganap na kaalaman na iyon ay sa Diyos, Moro. 7:15–17. Ang mga banal ay makatatagpo ng malaking kayamanan ng kaalaman, D at T 89:19. Ang dalisay na kaalaman ay lubos na magpapalaki ng kaluluwa, D at T 121:42. Siya na may mga susi ng banal na pagkasaserdote ay hindi mahihirapan sa pagtamo ng kaalaman ng mga katotohanan, D at T 128:11. Kung ang isang tao ay nagkamit ng kaalaman sa buhay na ito, siya ay may kalamangan sa daigdig na darating, D at T 130:19. Hindi maaaring maligtas sa kamangmangan, D at T 131:6.