Usigin, Pag-uusig Tingnan din sa Pagdurusa Ang magbigay ng dalamhati o pasakit sa iba dahil sa kanilang mga paniniwala o kalagayan sa lipunan; manligalig o mang-api. Pinagpala ang mga pinag-uusig dahil sa katwiran, Mat. 5:10 (3 Ne. 12:10). Ipanalangin sila na mga gumagamit at nang-uusig sa inyo, Mat. 5:44 (3 Ne. 12:44). Sapagkat sila ay mayayaman kanilang hinahamak ang mga maaamo, 2 Ne. 9:30 (2 Ne. 28:12–13). Ang mabubuting umaasa kay Cristo sa kabila ng lahat ng pag-uusig ay hindi masasawi, 2 Ne. 26:8. Ang lahat ng bagay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan, D at T 122:7.