Sa salitang Griyego, ang Apostol ay nangangahulugang “isang isinugo”. Ito ang itinawag ni Jesus sa Labindalawang pinili niya at inordenan na maging kanyang mga pinakamalapit na disipulo at katulong sa panahon ng kanyang ministeryo sa mundo (Lu. 6:13; Juan 15:16). Kanyang isinugo sila upang kumatawan sa kanya at maglingkod sa kanya matapos ang pag-akyat niya sa langit. Kapwa noong sinauna at sa Korum ng Labindalawang Apostol ng nanumbalik na Simbahan ngayon, ang isang Apostol ay natatanging saksi ni Jesucristo sa buong daigdig na magpapatotoo sa kanyang kabanalan at sa kanyang pagkabuhay na mag-uli mula sa patay (Gawa 1:22; D at T 107:23).
Pagpili ng mga Apostol
Ang Panginoon ang pumipili sa mga Apostol (Juan 6:70; 15:16).