Mula sa isang salitang Griyego na nangangahulugang “ilublob” o “ilubog”. Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ng isang may karapatan ang panimulang ordenansa ng ebanghelyo at kinakailangan upang maging kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pinangungunahan ito ng pananampalataya kay Jesucristo at ng pagsisisi. Ito ay kinakailangang masundan ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo upang malubos (2 Ne. 31:13–14 ). Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu ay kinakailangan bago makapasok ang isang tao sa kahariang selestiyal. Si Adan ang unang nabinyagan (Moi. 6:64–65 ). Bininyagan din si Jesus upang tuparin ang lahat ng kabutihan at upang ipakita ang daan sa buong sangkatauhan (Mat. 3:13–17 ; 2 Ne. 31:5–12 ).
Sapagkat hindi lahat sa mundo ay may pagkakataong matanggap ang ebanghelyo sa buhay na ito, binigyang-karapatan ng Panginoon na makapagsagawa ng mga pagbibinyag sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kinatawan para sa mga patay. Samakatwid, yaong mga tatanggap ng ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu ay maaaring maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos.
Hayaan ito ngayon upang matupad ang lahat ng kabutihan, Mat. 3:15 .
Dumating si Jesus at bininyagan ni Juan, Mar. 1:9 .
Tinanggihan ng mga Fariseo at tagapagtanggol ang payo ng Diyos, sapagkat hindi mga nabinyagan, Lu. 7:30 .
Maliban na ang tao’y isilang sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos, Juan 3:5 .
Magsisi at magpabinyag ang bawat isa sa inyo, Gawa 2:38 .
Inutusan niya ang lahat ng tao na kinakailangan silang magpabinyag sa kanyang pangalan, 2 Ne. 9:23–24 .
Dapat sumunod ang tao kay Cristo, magpabinyag, tumanggap ng Espiritu Santo, at magtiis hanggang wakas upang maligtas, 2 Ne. 31 .
Ang doktrina ni Cristo ay maniwala ang tao at magpabinyag, 3 Ne. 11:20–40 .
Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog
Si Jesus, nang mabinyagan siya, pagdaka’y umahon mula sa tubig, Mat. 3:16 (Mar. 1:10 ).
Doon ay nagbibinyag si Juan sapagkat maraming tubig doon, Juan 3:23 .
Si Felipe at ang bating ay lumusong sa tubig, Gawa 8:38 .
Tayo ay nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag, Rom. 6:4 (Col. 2:12 ).
Sundan ang inyong Panginoon at inyong Tagapagligtas sa tubig, 2 Ne. 31:13 .
Sina Alma, Helam, at iba pa ay nalibing sa tubig, Mos. 18:12–16 .
At pagkatapos inyo silang ilulubog sa tubig, 3 Ne. 11:25–26 .
Ipinaliwanag ang wastong pamamaraan ng pagbibinyag, D at T 20:72–74 .
Sila ay bininyagan alinsunod sa pamamaraan ng kanyang libing, na nalibing sa tubig sa kanyang pangalan, D at T 76:50–51 .
Si Adan ay inilubog sa tubig, at iniahon mula sa tubig, Moi. 6:64 .
Ang pagbibinyag ay sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan, S ng P 1:4 .
Pagbibinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan
Matapos ang pagbibinyag ay darating ang kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng apoy at ng Espiritu Santo, 2 Ne. 31:17 .
Halina at magpabinyag tungo sa pagsisisi upang kayo ay mahugasan mula sa inyong mga kasalanan, Alma 7:14 .
Pinagpala sila na maniniwala at mabibinyagan, sapagkat makatatanggap sila ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, 3 Ne. 12:1–2 .
Humayo kayo at turuan ang lahat ng bansa, nagbibinyag sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Mat. 28:19 (D at T 68:8 ).
Si Limhi at marami sa kanyang mga tao ay nagnais mabinyagan, subalit walang sinuman sa lupain ang may karapatan mula sa Diyos, Mos. 21:33 .
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan upang kayo ay makapagbinyag, 3 Ne. 11:19–21 .
Hawak ng Pagkasaserdoteng Aaron ang mga susi ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan, D at T 13:1 .
Sila ang mga yaong inordenan ko upang magbinyag sa aking pangalan, D at T 18:29 .
Mga hinihingi para sa pagbibinyag
Magsisi kayo, at magpabinyag sa pangalan ng Sinisinta kong Anak, 2 Ne. 31:11 .
Kayo ay kinakailangang magsisi at isilang na muli, Alma 7:14 .
Tiyaking kayo ay hindi nabinyagan nang hindi karapat-dapat, Morm. 9:29 .
Turuan ang mga magulang na sila ay kinakailangang magsisi at magpabinyag at magpakumbaba ng kanilang sarili, Moro. 8:10 .
Ang mga hinihingi para sa mga yaong nagnanais ng binyag ay ibinigay, D at T 20:37 .
Nararapat binyagan ang mga bata para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan pagsapit ng walong taong gulang, D at T 68:25, 27 .
Mga tipang ginawa sa pagbibinyag
Yaong mga nagsisisi, nagtataglay ng pangalan ni Cristo, at nagtitikang paglilingkuran siya ay tatanggapin sa pamamagitan ng binyag, D at T 20:37 .
Pagbibinyag alang-alang sa mga patay
Pagbibinyag hindi para sa mga sanggol
Ang mga bata ay nararapat binyagan pagsapit ng walong taong gulang, D at T 68:27 .
Lahat ng batang namamatay bago sumapit ang gulang ng pananagutan ay ligtas sa kahariang selestiyal, D at T 137:10 .