Kaluwalhatiang Terestriyal Tingnan din sa Antas ng Kaluwalhatian, Mga Ang pangalawa sa tatlong antas ng kaluwalhatian kung saan mananahanan ang mga tao pagkatapos ng huling paghuhukom. Nakita ni Pablo ang kaluwalhatiang terestriyal, katulad ng kaluwalhatian ng buwan, 1 Cor. 15:40–41. Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang kaluwalhatiang terestriyal, D at T 76:71–80. Ang kaluwalhatian ng terestriyal ay nakahihigit sa kaluwalhatian ng telestiyal, D at T 76:91. Ang mga yaong hindi makagagawang sumunod sa batas ng kahariang terestriyal ay hindi maaaring manahan sa isang kaluwalhatiang terestriyal, D at T 88:23, 30, 38.