Tulad ng pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang isang mag-anak ay binubuo ng isang mag-asawa, mga anak, at minsan iba pang mga kamag-anak na nakatira sa bahay ding iyon o nasasailalim ng isang pinuno ng mag-anak. Maaari ring ang isang pamilya ay binubuo ng isang magulang na may mga anak, isang mag-asawa na walang mga anak, o maaari ring maging isang tao na naninirahang mag-isa.
Pangkalahatan
Mga tungkulin ng mga magulang
Mga tungkulin ng anak
Mag-anak na walang hanggan
Ipinahahayag sa Doktrina at mga Tipan ang walang hanggang likas na pagkakaugnay ng pagpapakasal at ng mag-anak. Ang kasal na Selestiyal at isang pagpapatuloy ng mag-anak ay makatutulong sa mga asawang lalaki at mga asawang babae na maging mga diyos (D at T 132:15–20).