Lupang Pangako Mga lupaing ipinangako ng Panginoon bilang isang mana sa kanyang matatapat na tagasunod, at malimit din sa kanilang mga inapo. Marami ang mga lupang pangako. Malimit sa Aklat ni Mormon, ang lupang pangako na binabanggit ay Amerika. Sa iyong mga lahi ay ibibigay ko ang lupang ito, Gen. 12:7 (Abr. 2:19). Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga binhi ang lupain ng Canaan, Gen. 17:8 (Gen. 28:13). Binanggit ni Moises ang mga hangganan ng lupain sa Canaan para sa Israel, Blg. 34:1–12 (Blg. 27:12). Aakayin ka sa isang lupang pangako, 1 Ne. 2:20 (1 Ne. 5:5). Inaakay ng Panginoon ang mabubuti sa mga natatanging lupain, 1 Ne. 17:38. Kung susundin ng mga inapo ni Lehi ang mga kautusan ng Diyos, sila’y uunlad sa lupang pangako, 2 Ne. 1:5–9. Ang Israel ay magbabalik sa kanilang mga lupang pangako, 2 Ne. 24:1–2 (Is. 14:1–2). Anumang bansa ang mag-aangkin sa lupang pangakong ito ay nararapat na maglingkod sa Diyos, o sila ay itataboy, Eter 2:9–12. Ito ang lupang pangako, at ang lugar para sa lunsod ng Sion, D at T 57:2. Si Juda ay maaari nang magsimulang bumalik sa mga lupain ni Abraham, D at T 109:64. Ang Bagong Jerusalem ay itatayo sa lupalop ng Amerika, S ng P 1:10.