Pasasalamat sa mga pagpapalang natanggap mula sa Diyos. Ang pagtanaw ng utang na loob ay kasiya-siya sa Diyos, at kasama ng tunay na pagsamba ang pasasalamat sa kanya. Dapat tayong magbigay-pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng bagay.
Isang mabuting bagay ang magpasalamat sa Panginoon, Awit 92:1 .
Magsilapit sa kanyang harapan nang may pasasalamat, Awit 95:1–2 .
Mangagpasalamat sa kanya, at purihin ang kanyang pangalan, Awit 100:1–5 .
Huwag tumigil sa pagbibigay-pasasalamat, Ef. 1:15–16 .
Kayo’y maging mapagpasalamat, Col. 3:15 .
Pagpapala at kaluwalhatian, at pagpapasalamat, at karangalan nawa ang sumaaming Diyos, Apoc. 7:12 .
O, hindi ba’t nararapat na pasalamatan ninyo ang inyong makalangit na Hari, Mos. 2:19–21 .
Mabuhay na nagpapasalamat araw-araw, Alma 34:38 .
Kapag ikaw ay bumangon sa umaga hayaang ang iyong puso ay mapuspos ng Pasasalamat sa Diyos, Alma 37:37 .
Dapat ninyong gawin ang lahat ng bagay nang may panalangin at pasasalamat, D at T 46:7 .
Kayo ay kailangang magbigay ng pasalamat sa Diyos, D at T 46:32 .
Gawin ang mga bagay na ito nang may pasasalamat, D at T 59:15–21 .
Tanggapin ang mga pagpapalang ito mula sa kamay ng Panginoon, nang may mapagpasalamat na puso, D at T 62:7 .
Siya na tumatanggap ng lahat ng bagay nang may pasasalamat ay gagawing maluwalhati, D at T 78:19 .
Sa lahat ng bagay magbigay-pasasalamat, D at T 98:1 (1 Tes. 5:18 ).
Purihin ang Panginoon nang may panalangin ng papuri at pasasalamat, D at T 136:28 .