Inggit Tingnan din sa Imbot; Paninibugho, Naninibugho Ayon sa banal na kasulatan, ang paghahangad sa isang bagay na pag-aari ng iba ay mali. Ang mga patriyarka, sa udyok ng kainggitan, ay ipinagbili si Jose sa Egipto, Gawa 7:9. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay hindi naiinggit, 1 Cor. 13:4 (Moro. 7:45). Ang inggit ay nagbubuhat sa kapalaluan, 1 Tim. 6:4. Kung nasaan ang inggit, doon ay may kaguluhan at lahat ng masasamang gawa, Sant. 3:16. Ang Panginoon ay nag-utos sa mga tao na hindi sila dapat mainggit, 2 Ne. 26:32. Walang pag-iinggitan sa mga tao ni Nephi, 4 Ne. 1:15–18. Ang pagkainggit at pagkapoot ng tao sa akin ay naging pangkaraniwang bagay sa buong panahon ng aking buhay, D at T 127:2.