Ang walang maliw na bunga ng mga pagpapala sa pagkakaroon ng mabubuting pag-iisip at gawa, at kaparusahan sa mga hindi pinagsisihang kasalanan. Ang katarungan ay isang walang hanggang batas na nangangailangan ng isang kaparusahan sa bawat saglit na ang isang batas ng Diyos ay hindi sinunod (Alma 42:13–24). Kinakailangang pagbayaran ng nagkasala ang kaparusahan kung hindi siya magsisisi (Mos. 2:38–39; D at T 19:17). Kung siya ay magsisisi, babayaran ng Tagapagligtas ang kaparusahan sa pamamagitan ng pagbabayad-sala, na humihingi ng awa (Alma 34:16).