Pagkawalang-galang Tingnan din sa Lapastangan, Kalapastangan Kawalang-galang o pagsuway sa mga bagay na banal; lalo na, sa kawalang-pitagan sa pangalan ng Diyos. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, Ex. 20:7 (2 Ne. 26:32; Mos. 13:15; D at T 136:21). Bakit tayo lumalapastangan sa tipan ng ating mga magulang? Mal. 2:10. Ang bawat salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao, ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom, Mat. 12:34–37. Sa bibig din lumalabas ang papuri’t paglait, na hindi nararapat na magkagayon, Sant. 3:10. Ang ating mga salita ang hahatol sa atin, Alma 12:14 (Mos. 4:30). Mag-ingat ang lahat ng tao sa paggamit ng aking pangalan sa kanilang bibig, D at T 63:61–62.