Asin Ginagamit bilang isang mahalagang sangkap na pampatagal ng pagkain noong sinaunang kabihasnan; itinuturing itong mahalaga sa buhay. Ang asawa ni Lot ay naging haliging asin, Gen. 19:26. Kayo ang asin ng lupa, Mat. 5:13 (Lu. 14:34; 3 Ne. 12:13). Itinuturing bilang asin sa lupa ang mga pinagtipanang tao ng Panginoon, D at T 101:39–40. Kung ang mga Banal ay hindi tagapagligtas ng mga tao, sila ay tulad ng asin na nawalan ng lasa, D at T 103:9–10.