Mga Tulong sa Pag-aaral
Pakikiapid


Pakikiapid

Ang labag sa batas na pakikipag-ugnayang seksuwal ng mga kalalakihan at kababaihan. Bagaman ang pakikiapid ay kadalasang tumutukoy sa seksuwal na pakikipagniig ng isang taong may asawa sa hindi niya asawa, sa mga banal na kasulatan ito ay tumutukoy rin sa mga hindi kasal.

Paminsan-minsan ginagamit ang pakikiapid bilang sagisag ng lubusang pagtalikod sa katotohanan ng isang bansa o ng lahat ng tao mula sa mga landas ng Panginoon (Blg. 25:1–3; Ez. 16:15–59; Jer. 3:6–10; Os. 4).