Isang batang lalaki o babae, na hindi pa mga nagbibinata o nagdadalaga. Kailangang turuan ng mga ama at ina ang kanilang mga anak na sundin ang kalooban ng Diyos. Nananatiling walang kasalanan ang mga bata hanggang sa sumapit sila sa gulang ng pananagutan (Moro. 8:22 ; D at T 68:27 ).
Ang mga anak ay mga pamana mula sa Panginoon, Awit 127:3–5 .
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, Kaw. 22:6 .
Kung walang Pagkahulog, hindi sana magkakaanak sina Adan at Eva, 2 Ne. 2:22–23 .
Turuan ang mga batang lumakad sa katotohanan at kahinahunan, Mos. 4:14–15 .
Ang maliliit na bata ay may buhay na walang hanggan, Mos. 15:25 .
Kinuha ni Jesus ang maliliit na bata at binasbasan sila, 3Â Ne. 17:21 .
Ang lahat ng iyong mga anak ay tuturuan ng Panginoon, at malaki ang magiging kapayapaan ng iyong mga anak, 3Â Ne. 22:13 (Is. 54:13 ).
Ang maliliit na bata ay hindi nangangailangan ng pagsisisi o pagbibinyag, Moro. 8:8–24 .
Ang maliliit na bata ay tinubos mula pa sa pagkakatatag ng daigdig sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak, D at T 29:46–47 .
Nararapat ituro ng mga magulang sa mga anak ang mga alituntunin at gawain ng ebanghelyo, D at T 68:25, 27–28 .
Ang maliliit na bata ay pinabanal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, D at T 74:7 .
Ang mga magulang ay inuutusang palakihin ang kanilang mga anak sa liwanag at katotohanan, D at T 93:40 .
Ang mga batang namamatay bago sumapit sa gulang ng pananagutan ay ligtas sa kahariang selestiyal, D at T 137:10 .