Payo, Papayuhan Tingnan din sa Propeta Mga paalala, babala, pangaral, at tagubilin mula sa Panginoon at sa kanyang mga inordenang pinuno. Papayuhan kita, Ex. 18:19. Papatnubayan ako ng Diyos ng kanyang payo, Awit 73:24. Kung saan walang pantas na namamahala, ang mga tao ay bumabagsak, Kaw. 11:14. Tinanggihan ng mga Fariseo at tagapagtanggol ang payo ng Diyos, Lu. 7:30. Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, Apoc. 3:18. Ang maging marunong ay mabuti kung sila ay makikinig sa payo ng Diyos, 2 Ne. 9:29. Huwag hangaring pagpayuhan ang Panginoon, Jac. 4:10. Siya ay nagpapayo sa lahat ng kanyang nilikha, Alma 37:12. Ang inyong mga kasalanan ay nakarating sa akin sapagkat kayo ay naghangad ng payo sa sarili ninyong pamamaraan, D at T 56:14. Makinig sa mga payo niya na nag-orden sa inyo, D at T 78:2. Tumanggap ng payo sa kanya na aking itinalaga, D at T 108:1. Minithi niya na itatag ang kanyang payo sa halip na ang payo na aking inorden, D at T 124:84. Makinig sa payo ng aking tagapaglingkod na si Joseph, D at T 124:89. Kung sinumang tao ang hindi hahanapin ang aking payo, siya ay hindi magkakaroon ng kapangyarihan, D at T 136:19.