Karapatan o tungkulin sa isang samahan, malimit gamitin sa mga banal na kasulatan na nangangahulugan ng isang katungkulan ng kapangyarihang pagkasaserdote; maaari ring mangahulugan na mga tungkuling nakatalaga sa katungkulan o sa isang taong humahawak ng tungkulin.
Tinupad namin ang aming mga tungkulin sa Panginoon, Jac. 1:19 .
Natanggap ni Melquisedec ang katungkulan ng mataas na pagkasaserdote, Alma 13:18 .
Ang katungkulan ng paglilingkod ng mga anghel ay upang tawagin ang mga tao sa pagsisisi, Moro. 7:31 .
Walang taong oordenan sa anumang katungkulan sa simbahang ito nang walang boto ng simbahang iyon, D at T 20:65 .
Bawat tao ay tumayo sa kanyang sariling katungkulan, D at T 84:109 .
Pag-aralan ng bawat tao ang kanyang tungkulin, at kumilos sa katungkulan kung saan siya itinalaga, D at T 107:21 .
Ang mga tungkulin ng yaong mga namumuno sa mga katungkulan ng mga korum ng pagkasaserdote ay inilarawan, D at T 107:85–98 .
Pag-aralan ng bawat tao ang kanyang tungkulin, at gumawa sa katungkulan kung saan siya itinalaga, D at T 107:99–100 .
May mga pangulo, o namumunong pinuno, na itinalaga mula sa mga yaong naordenan dito sa dalawang pagkasaserdote, D at T 124:123 .