Paskua
Ang piging ng Paskua ay pinasimulan upang tulungang maalaala ng mga anak ni Israel ang paglampas sa kanilang tahanan ng anghel ng kamatayan at iligtas sila sa mga taga-Egipto (Ex. 12:21–28; 13:14–15). Ang dugo ng mga walang bahid-dungis na kordero, na ginamit na palatandaan upang iligtas ang Israel noong una, ay sumasagisag kay Jesucristo, na Kordero ng Diyos, na ang paghain ay nakatubos sa sangkatauhan.