Mga Tulong sa Pag-aaral
Tipan


Tipan

Isang kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng tao, subalit sila ay hindi pantay sa pagkilos sa kasunduan. Ang Diyos ang siyang nagbibigay ng mga batayan para sa tipan, at ang mga tao ang sumasang-ayong isagawa ang hinihingi niya sa kanilang gawin. Sa gayon pinangangakuan ng Diyos ang mga tao ng ilang mga pagpapala dahil sa kanilang pagiging masunurin.

Ang mga alituntunin at ordenansa ay tinatanggap sa pamamagitan ng tipan. Nangangako ang mga kasapi ng Simbahan na mga nakikipagtipan na kikilalanin ang mga ito. Halimbawa, nakikipagtipan ang mga kasapi ng Simbahan sa Panginoon sa araw ng binyag at inaalaala ang mga tipang yaon sa pamamagitan ng pagbahagi ng sakramento. Gumagawa sila ng mga karagdagang tipan sa templo. Ang mga tao ng Panginoon ay mga pinagtipanang tao at labis na pinagpapala habang tumutupad sila sa kanilang mga tipan sa Panginoon.