Kaloob Tingnan din sa Kaloob na Espiritu Santo; Kaloob ng Espiritu, Mga Binibigyan ng Diyos ang tao ng maraming biyaya at kaloob. Maraming kaloob na espirituwal, 1 Cor. 12:4–10. Marubdob na hangarin ang mga pinakamabuting kaloob, 1 Cor. 12:31. Ang bawat kaloob na ganap ay mula sa Diyos, Sant. 1:17. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay kaloob ng Diyos, 1 Ne. 10:17. Yaong mga nagsasabi na walang kaloob ay di nakaaalam ng ebanghelyo ni Cristo, Morm. 9:7–8. Nanggagaling ang bawat mabubuting kaloob kay Cristo, Moro. 10:8–18. Ang buhay na walang hanggan ang pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos, D at T 14:7 (1 Ne. 15:36). Ibinibigay ang mga kaloob sa mga yaong umiibig sa Panginoon, D at T 46:8–11. Hindi lahat ng bawat kaloob ay ibinigay sa kanila, D at T 46:11–29.