Pagkakaisa Tingnan din sa Diyos, Panguluhang Diyos Maging isa sa isipan, naisin, at layunin una sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo, at pagkatapos sa ibang mga Banal. Nakabubuti ito sa mga magkakapatid ang magsitahang magkakasama sa pagkakaisa, Awit 133:1. Ako at ang aking Ama ay isa, Juan 10:30 (D at T 50:43). Nanalangin si Jesus upang ang lahat ay maging isa na tulad niya at ng kanyang Ama na isa, Juan 17:11–23 (3 Ne. 19:23). Ipinamamanhik ko na huwag magkaroon ng mga pagkakahati sa kalipunan ninyo, kundi kayo’y maging ganap na magkasama-sama, 1 Cor. 1:10. Magkaroon ng pagnanais na maging isang isipan at isang puso, nagkakaisa sa lahat ng bagay, 2 Ne. 1:21. Ang mga Banal ay nararapat magkaroon ng pusong magkakasama sa pagkakaisa, Mos. 18:21. Nanalangin si Jesus para sa pagkakaisa ng kanyang mga disipulong Nephita, 3 Ne. 19:23. Ang mga disipulo ay nagkaisa sa taimtim na panalangin at pag-aayuno, 3 Ne. 27:1. Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay isa, D at T 20:27–28 (D at T 35:2; 50:43). Tungkulin mo na makiisa sa tunay na simbahan, D at T 23:7. Anuman ang inyong hihilingin nang may pananampalataya, na nagkakaisa sa panalangin, kayo ay makatatanggap, D at T 29:6. Kung hindi kayo isa kayo ay hindi sa akin, D at T 38:27. Tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na Sion sapagkat sila ay may isang puso at isang isipan, Moi. 7:18.