Mga Tulong sa Pag-aaral
Galilea


Galilea

Sa sinauna at makabagong panahon, ang pinakapahilagang purok ng Israel sa kanluran ng Ilog Jordan at ng Dagat ng Galilea. Tinatayang ang Galilea ay siyamnapu’t pitong kilometro ang haba na may apatnapu’t walong kilometro ang lawak. Noong unang panahon, ito ay binubuo ng ilang mayayamang lupa at ang pinakaabalang bayan ng Israel. Ang mahahalagang daang-bayan patungo sa Damasco, Egipto, at silangang Israel ay tumatahak sa Galilea. Ang maganda nitong klima at matabang lupa ay nagbibigay ng malalaking tanim ng mga olibo, trigo, sebada, at ubas. Naglalaan ang mga pangisdaan sa Dagat ng Galilea ng isang malawakang pakikipagkalakalan at ito ang malaking pinagkukunan ng yaman. Iniukol halos ng Tagapagligtas ang kanyang panahon sa Galilea.

Ang Dagat ng Galilea

Nasa hilaga ng Israel ang Dagat ng Galilea. Tinatawag din itong Dagat ng Cinnereth sa Lumang Tipan at Lawa ng Genezaret o Tiberias sa Bagong Tipan. Nagturo si Jesus dito ng ilang pangaral (Mat.13:2). Ang dagat ay hugis peras, 20 kilometro ang haba at 12 kilometro ang lawak sa pinakalawak nito. Ito ay nasa 207 metro mababa sa kapatagan ng dagat, na kadalasan ay nagpapainit sa hangin sa palibot. Ang malamig na hanging nanggagaling mula sa mga burol at sumasalubong sa mainit na hangin mula sa tubig ay kadalasang nagdudulot ng biglaang pagbagyo (Lu. 8:22–24)