Isang Apostol sa Bagong Tipan. Ang pangalan sa Hebreo ni Pablo ay Saul, at nakilala siya sa pangalang yaon hanggang nagsimula siya ng kanyang pagmimisyon sa mga Gentil. Dati siyang nang-uusig sa Simbahan subalit siya ay nagbalik-loob sa katotohanan nito matapos niyang makita ang isang pangitain ni Jesucristo. Nagtungo si Pablo sa tatlong pangunahing pangmisyonerong paglalakbay at nagsulat ng maraming liham sa mga Banal. Labing-apat sa mga liham na ito ay bumubuo ng isang bahagi sa Bagong Tipan ngayon. Sa huli ay ibinilanggo siya sa Roma at pinatay, maaaring sa tagsibol ng A.D. 65.