Isang taong nangangalaga sa kabuhayan o ari-arian ng iba. Yaong mga pinapangalagaan ng isang katiwala ay tinatawag na ipinagkatiwala. Lahat ng bagay na nasa ibabaw ng lupa ay pag-aari ng Panginoon; tayo ang kanyang mga katiwala. Tayo ang mananagot sa Panginoon, subalit maaari nating maiulat ang ipinagkatiwala sa atin sa mga binigyan ng karapatan na kumatawan sa Diyos. Kapag nakatanggap tayo ng isang tungkuling maglingkod buhat sa Panginoon o sa kanyang binigyan ng karapatang mga tagapaglingkod, maaaring kabilang sa ipinagkatiwalang yaon ang espirituwal at maging temporal na mga gawain (D at T 29:34).