Kawalang-kabuluhan, Walang Kabuluhan Tingnan din sa Kamunduhan; Kapalaluan Kabulaanan o panlilinlang; kapalaluan.Walang kabuluhan at kawalang-kabuluhan ay maaari ring ipakahulugang walang saysay o walang halaga. Siya na hindi nagmataas ng kanyang kaluluwa sa walang kabuluhan ay tatayo sa banal na dako ng Panginoon, Awit 24:3–4. Kapag kayo’y mananalangin, huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulit-ulit, Mat. 6:7. Ang malaki at maluwang na gusali ay mga walang kabuluhang guni-guni at kapalaluan, 1 Ne. 12:18. Kayo ba ay magpipilit ding ilagak ang inyong mga puso sa mga walang kabuluhang bagay ng daigdig? Alma 5:53. Huwag kang maghangad ng mga walang kabuluhang bagay ng daigdig na ito, sapagkat hindi mo ito madadala sa iyo, Alma 39:14. Pagwawalang-kabuluhan at kawalang-paniniwala ang nagdala sa Simbahan sa ilalim ng kaparusahan, D at T 84:54–55. Kung ating tatangkaing bigyan ng kasiyahan ang ating walang kabuluhang adhikain, ang kalangitan ay lalayo, D at T 121:37.