Mga Tulong sa Pag-aaral
Nephi, Anak ni Nephi, Anak ni Helaman


Nephi, Anak ni Nephi, Anak ni Helaman

Isa sa labindalawang Nephitang disipulo na pinili ng nabuhay na mag-uling si Jesucristo sa Aklat ni Mormon (3 Ne. 1:2–3; 19:4). Ang propetang ito ay buong taimtim na nanalangin sa Panginoon sa kapakanan ng kanyang mga tao. Narinig ni Nephi ang tinig ng Panginoon (3 Ne. 1:11–14). Dinalaw rin ng mga anghel si Nephi, nagpalayas ng mga demonyo, ibinangon ang kanyang kapatid mula sa patay, at nagbigay ng patotoo na hindi maaaring hindi paniwalaan (3 Ne. 7:15–19; 19:4). Iningatan ni Nephi ang banal na talaan (3 Ne. 1:2–3).

Ang aklat ni 3

 Nephi: Isang aklat na isinulat ni Nephi, anak ni Nephi, sa Aklat ni Mormon. Ipinakikita sa mga kabanata 1–10 ang katuparan ng mga propesiya tungkol sa pagparito ng Panginoon. Ibinigay ang palatandaan ng pagsilang ni Cristo; nagsipagsisi ang mga tao; subalit bumalik din naman sila sa kasamaan. Sa huli mga unos, lindol, malalakas na bagyo, at malaking pagkawasak na naghudyat ng kamatayan ni Cristo. Natatala sa mga kabanata 11–28 ang pagparito ni Cristo sa Amerika. Ito ang pinakatampok na bahagi ng aklat ni 3 Nephi. Marami sa mga salita ni Cristo ay katulad sa kanyang mga pangaral na nakatala sa Biblia (halimbawa, Mat. 5–7 at 3 Ne. 12–14). Ang mga kabanata 29–30 ay mga salita ni Mormon sa mga bansa sa huling araw.

Ang aklat ni 4

 Nephi: Ang aklat na ito ay mayroon lamang 49 na talata, lahat ay sa iisang kabanata, subalit ito ay sumasaklaw sa mahigit kumulang na tatlong daang taon ng kasaysayan ng Nephita (34–321 A.D.). Ilan sa mga salinlahing manunulat, kabilang si Nephi, ay nag-ambag sa talaan. Nasasaad sa mga talata 1–9 na matapos ang pagdalaw ng nabuhay na mag-uling si Cristo lahat ng Nephita at Lamanita ay nagbalik-loob sa ebanghelyo. Kapayapaan, pag-ibig at pagkakaisa ang naghari. Ang tatlong disipulong Nephita, na siyang pinahintulutan ni Cristo na manatili sa lupa hanggang sa kanyang pangalawang pagparito (3 Ne. 28:4–9) ay naglingkod sa mga tao. Iniwan ni Nephi ang talaan sa kanyang anak na si Amos. Ang mga talata 19–47 ay talaan ng paglilingkod ni Amos (84 taon) at ng kanyang anak na si Amos (112 taon). Noong 201 A.D., naging dahilan ng mga suliranin ang kapalaluan sa mga tao, na hinati ang kanilang sarili sa mga uri at sinimulan ang mga huwad na simbahan upang makinabang (4 Ne. 1:24–34).

Ipinakikita sa huling mga talata ng 4 Nephi na ang mga tao ay bumalik muli sa kasamaan (4 Ne. 1:35–49). Noong 305 A.D., si Amos na anak ni Amos ay namatay at itinago ng kanyang kapatid na si Amaron ang lahat ng banal na talaan upang mapag-ingatan. Pagkatapos ay ipinagkatiwala ni Amaron kay Mormon ang mga talaan, na nagtala ng maraming pangyayari ng kanyang sariling buhay at pagkatapos ay pinaikli ang mga ito (Morm. 1:2–4).