Disipulo
Isang tagasunod ni Jesucristo na namumuhay alinsunod sa mga aral ni Cristo (D at T 41:5). Ginagamit ang salitang disipulo upang ilarawan ang Labindalawang Apostol na tinawag ni Cristo noong panahon ng kanyang ministeryo sa buhay na ito (Mat. 10:1–4). Ginagamit din ang salitang disipulo upang ilarawan ang labindalawang kalalakihang pinili ni Jesus na mamuno sa kanyang Simbahan sa mga Nephita at Lamanita (3 Ne. 19:4).