Mga Tulong sa Pag-aaral
Sumpa, Mga Sumpa


Sumpa, Mga Sumpa

Sa pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, karaniwan ay isang banal na tipan o pangako. Gayon pa man, ang masasamang tao, kabilang na si Satanas at ang kanyang mga anghel, ay nakikipagsumpaan din upang matupad ang kanilang masasamang layunin. Sa panahon ng Lumang Tipan, ang mga sumpa ay tinatanggap; gayon pa man, itinuro ni Jesucristo na hindi dapat manumpa ang tao sa pangalan ng Diyos o sa kanyang mga nilikha (Mat. 5:33–37).

: Sa mga banal na kasulatan, ang sumpa ay nangangahulugan din ng pagsasagawa ng banal na batas na nagtutulot o nagdadala ng mga kahatulan at mga kahahantungan ng isang bagay, tao, o mga tao lalung-lalo na dahil sa kasamaan. Ang mga sumpa ay pagpapakita ng dakilang pagmamahal at katarungan ng Diyos. Bilang karagdagan, ang maisumpa ay nararanasan ng mga yaong sadyang sumusuway sa Diyos at sa gayon inilalayo ang kanilang sarili sa Espiritu ng Panginoon.

Maaaring alisin ng Panginoon ang mga sumpa dahil sa pagkakaroon ng isang tao o ng mga tao ng pananampalataya kay Jesucristo at pagsunod sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo (Alma 23:16–18; 3 Ne. 2:14–16; S ng P 1:3).

Magtungayaw

Ang sumumpa ay paggamit din ng mga salitang walang galang, lapastangan, o mapanlait.