Isang pangyayari o karanasan na sa pang-unawa ng tao ay ebidensiya o patunay sa isang bagay. Karaniwan, ang isang palatandaan ay isang kahima-himalang pagpapakita mula sa Diyos. May kapangyarihan din si Satanas na magpakita ng mga palatandaan batay sa tiyak na kalagayan. Dapat hangarin ng mga Banal ang mga kaloob ng Espiritu subalit huwag maghangad ng mga palatandaan upang mabigyang-kasiyahan ang pagkamausisa o magpatuloy ang pananampalataya. Sa lalong maliwanag, magbibigay ng mga palatandaan ang Panginoon kung inaakala niyang marapat sa mga yaong may paniniwala (D at T 58:64).