Mga Tulong sa Pag-aaral
Bago at Walang Hanggang Tipan


Bago at Walang Hanggang Tipan

Ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo (D at T 66:2). Ito ay bago sa tuwing ito ay ipinahahayag muli kasunod ng isang panahon ng lubusang pagtalikod sa katotohanan. Ito ay walang hanggan sa kadahilanang ito ay tipan ng Diyos at tinatamasa sa bawat dispensasyon ng ebanghelyo kung saan ang mga tao ay nakahandang tanggapin ito. Ipinahayag muli ang bago at walang hanggang tipan sa mundo ni Jesucristo sa pamamagitan ng propetang si Joseph Smith. Naglalaman ito ng mga banal na ordenansa na pinangangasiwaan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkasaserdote—gaya ng pagbibinyag at kasal sa templo—na magkakaloob sa tao ng kaligtasan, kawalang-kamatayan, at buhay na walang hanggan. Kapag tinanggap ng mga tao ang ebanghelyo at mangakong tutuparin ang mga kautusan ng Diyos, titipan ang Diyos na ibibigay sa kanila ang mga biyaya ng kanyang bago at walang hanggang tipan.