Ang pagpapatong ng kamay sa ulo ng isang tao bilang bahagi ng isang ordenansa ng pagkasaserdote. Maraming ordenansa ng pagkasaserdote ang isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, katulad ng mga pag-oorden, pagbabasbas, pangangasiwa sa mga maysakit, pagpapatibay sa pagiging kasapi ng Simbahan, at pagkakaloob ng Espiritu Santo.
Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa ilang mamamayang maysakit, at pinagaling sila, Mar. 6:5 (Morm. 9:24 ).
Ipinatong ng mga apostol ang kanilang mga kamay sa pito na tutulong sa kanila, Gawa 6:5–6 .
Ibinibigay ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, Gawa 8:14–17 .
Ipinatong ni Ananias ang kanyang mga kamay kay Saul at pinanumbalik ang kanyang paningin, Gawa 9:12, 17–18 .
Ipinatong ni Pablo ang kanyang mga kamay sa kanya at pinagaling siya, Gawa 28:8 .
Itinuro ni Pablo ang doktrina ng pagbibinyag at ang pagpapatong ng mga kamay, Heb. 6:2 .
Nag-orden si Alma ng mga saserdote at elder sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, Alma 6:1 .
Ibinigay ni Jesus sa kanyang mga disipulo ang kapangyarihang magkaloob ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, 3 Ne. 18:36–37 .
Sa kanila na papatungan ninyo ng inyong mga kamay, ibibigay ninyo ang Espiritu Santo, Moro. 2:2 .
Ang mga elder ang magpapatong ng kanilang mga kamay sa mga bata para sa isang pagbabasbas, D at T 20:70 .
Tatanggapin nila ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, D at T 35:6 (S ng P 1:4 ).
Ipapatong ng mga elder ang mga kamay sa mga maysakit, D at T 42:44 (D at T 66:9 ).
Tatanggapin ng mga bata ang pagpapatong ng mga kamay pagkatapos ng Pbibinyag, D at T 68:27 .
Tinatanggap ang pagkasaserdote sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, D at T 84:6–16 .