Mga Tulong sa Pag-aaral
Mosias, Anak ni Benjamin


Mosias, Anak ni Benjamin

Isang matwid na haring Nephita at propeta sa Aklat ni Mormon. Sinundan ni Mosias ang matwid na halimbawa ng kanyang ama (Mos. 6:4–7). Isinalin niya ang dalawampu at apat na laminang ginto na naglalaman ng talaan ng mga Jaredita (Mos. 28:17).

Ang aklat ni Mosias

Isang aklat sa Aklat ni Mormon. Nilalaman sa mga kabanata 1–6 ang matinding pangaral ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao. Naantig ng Espiritu ng Panginoon ang kanilang mga puso at ang mga tao ay nagbalik-loob at hindi na muling nagnais pang gumawa ng masama. Nasasaad sa mga kabanata 7–8 ang tungkol sa isang pangkat ng mga Nephita na umalis upang manirahang kasama ng mga Lamanita. Isang pangkat ang isinugo upang hanapin sila. Si Ammon, na pinuno ng pangkat na naghahanap, ay nakita sila at nalaman ang kuwento ng kanilang mga pagsubok sa ilalim ng pang-aapi ng mga Lamanita. Inilalarawan sa mga kabanata 9–24 ang pang-aapi at kung paano ang kanilang mga pinuno—sina Zenif, Noe, at Limhi—ay namuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Lamanita. Ang pagiging martir ng isang propeta na nagngangalang Abinadi ay itinala rin. Si Alma ay nagbalik-loob sa paglilitis kay Abinadi. Iniuulat sa mga kabanata 25–28 ang mga salaysay kung paano nagbalik-loob ang anak ni Alma at ang apat na anak ni Haring Mosias. Iminungkahi ni Haring Mosias sa kabanata 29 na palitan ng panunungkulan ng mga hukom ang mga hari. Si Alma na anak ni Alma ay nahalal na unang punong hukom.